Mga Uri Ng Pagbasa
Mga iba`t ibang teorya ng PAGBASATeoryang Bottom-up itoay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Mga Kasanayan Sa Pagbasa Ng Mga Tekstong Akademiko. Mga Kasanayan Sa Pagbasa Ng Mga Tekstong Akademiko. Home; Add Document. Bahagi nito ang paghahanap ng mambabasa ng ebidensiya o katibayan mula sa teksto upang mapagtibay ang mga isinaad ng manunulat. Dalawang uri ng pahayag: Ang katotohanan ay nagsasaad ng isang pangyayaring talagang.
Pagbasa Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat. Aplikasi tv online pc. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng maakda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita, pakikinig at pagsusulat. Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pagkalibangan.
Mga Uri Ng Pagbasa Sa Filipino
• Proseso sa Pagbasa May apat na proseso ang nagaganap sa pagbasa ayon kay William S. Gary, ang Ama ng Pagbasa, ang mga ito ay ang mga ss: 1.
Ang pagbasa sa akda/persepsyon o pagkilala 2. Ang pag-unawa sa binasa/ komprehensyon 3. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating karanasan/asimilasyon 4. Ang reaksyon sa binasa • Dalawang Paraan ng Pagbabasa 1. Tahimik – isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang binabasa Ilang mungkahi upang mapabilis ang pagbabasa nang tahimik: May mabuting kundisyon ng paningin. May wastong liwanag.
May tahimik na kapaligiran. May sapat na sirkulasyon ng hangin. Huwag paisa-isa ang pagbasa ng salita, basahin ang buong kaisipan. Kaliwa pakanan ang kilos nang mata. Isaalang-alang ang mga batas na ginamit upang maunawaan ang detalye.
Huwag ikibot ang labi kapag nagbabasa ng tahimik. Kung baguhan pa lamang ilagay ang hintuturong daliri sa labi. Magsanay sa pagbasa nang mabilis • 2. Malakas – isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang binabasang teksto. Ilang maungkahi upang maging maayos ang pagbasa ng malakas: May mabuting kundisyon ng paningin.
May sapat na lakas ng tinig. May wastong tindig. May malusog na pangangatawan. Mahusay na pandinig.
Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha. May tamang pagbigkas. Isinaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin, pagtaas o pagbaba ng tinig at pahinto. Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa. Tumingin sa tagapakinig. • TATLONG SALIK NG PAGBASA 1. Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.) 2.
Balangkas at istilo ng Pagpapahayag 3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject Matter) IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA 1. ISKANING Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.
Mga Uri Ng Pagbasa Ayon Sa Layunin
Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. • Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin.
Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap. ISKIMING Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao.
Layunin Ng Pagbasa
Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawiliwili sa kanya sa sandaling iyon. PREVIEWING Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.